Monday, March 6, 2017



I. BUOD

Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso.Walang silang nahuli sapagkat natatakot ang mga hayop sa dala nilang isang banda ng musiko. Kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay. Ikinatuwa ito ng Heneral sapagkat hindi nahalata ang kaniyang kawalan ng kaalaman sa pangangaso. Kaya naglaro nalang ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan Heneral. Nagpatalo sina Padre Sibyla at Padre Irene samantalang inis na inis naman si Padre Camorra dahil siya ay natatalo. Hindi nagtagal ay pumalit si Simoun kay Padre Camorra. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama nsa loob ng limang araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin. Maraming mungkahi ang napagpasiyahan at mayroon din namang hindi. Laging sinasalungat ang Heneral ng mataas na kawani.

II. MGA TAUHAN

    • Kapitan Heneral - pinipilit na gawin ang kanyang mga trabaho habang siya ay naglalaro na baraha. Dahil dito, hindi niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang trabaho. Hindi niya gaanong pinag-iisipan ang kanyang mga desisyon na ginagawa. Madali rin siyang mabuyo sa suhestiyon ng iba.
    • Padre Camorra - maiinitin ang ulo at ayaw magpalamang sa kanyang mga kalaro.
    •  Padre Siblya - kasama ni Padre Irene sa pagpapatalo sa Kapitan Heneral sa tresilyo.
    • Padre Irene - katulad ni Padre Siblya nagpapatalo rin siya sa Kapitan Heneral para mapapayag ang heneral sa kanyang kahilingan. Sang-ayon sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil sinuhulan siya ng kabayo ng mga estudyante para panigan sila. Ngunit nang lumaon ay tumutol rin. Gahaman sa pera at kayamanan.
    • Simoun - sumali sa laro ng baraha ngunit iba ang hininging kapalit sa halip na pera. Mga pabor ang hiningi niya upang maiba naman daw ang gagawin ng kanyang mga kalaro. Pero ang totoo ay nais niya lang na mas maipakita ng mga kalaro ang kabuktutan nila.
    • Don Custodio - ipinayo niya na ilipat ang paaralan sa sabungan dahil wala naman daw sabong tuwing Lunes hanggang Biyernes.
    • Padre Fernandez - matalino at iniisip ang makabubuti sa nakararami. Sumang-ayon siya sa pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil hindi lingid sa kanya na may kakayahang mag-aklas ang mga estudyante kung sakaling hindi nila papayagan na magbubunsod sa pagbagsak ng mga Kastila. Paborito niyang mag-aaral si Isagani.
    • Kalihim - sa kanya binibilin ang mga dapat pagdesisyunan ng Kapitan Heneral.
    • Ben Zayb - nagbibilyar kasama si Simoun.
III. SULIRANIN 
Ang mga tao ay tamad. Hindi magbanal ng buto para mabuhay. Gusto nitong magkaroon ng kayaman na galing sa bunga ng hindi pinagpauisan. 

IV. ISYUNG PANLIPUNAN
Ito ay ang tinatawag na problemang graft at korapsyon. Ito ang suliranin ng ating lipunan na ginagamit ang kapanyarian upang makamit ang usapang penancial sa madaling paraan at makuha ang kapakinabangan gamit ang kapanyarihang. At iba pang problema ay ang kahirapan ng tao. Ito'y nagdulot ng malaking suliranin sa lipunan dahil ang tao ay gagawa iyon ng masamang bagay na makasira sa lipunan para lamang magkaroon ng kabuhayan tulad ng pagkakalakal ng tao at sex slavery.

V. GINTONG ARAL
Ito ay huwag gagawa ng masama ng makasira sa lipunan at buong pagkatao natin.

No comments:

Post a Comment